Batangas

Mabini MPS inilantad drug-free workplace brass marker

24 Views

Batangas1Batangas2

KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Muling pinatunayan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang kanilang integridad matapos matagumpay na isagawa ang taunang Renewal ng Drug-Free Workplace Status para sa kanilang Provincial Headquarters, mga police station, at mobile force companies sa buong lalawigan.

Ginanap ang aktibidad noong Huwebes ng umaga, Oktubre 29, 2026, sa nabanggit na kampo.

Nagsilbing Guest of Honor at Speaker sa kaganapan si USEC Earl P. Saavedra, Executive Director ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Tampok din sa okasyon ang opisyal na pagdedeklara sa Mabini Municipal Police Station bilang isang Drug-Free Workplace, kung saan pormal na inilantad ang kanilang Drug-Free Workplace Brass Marker bilang simbolo ng malinis at ligtas na serbisyo.

Nakiisa rin sa paggawad ng mga sertipikasyon sina IA I Rudyard Bartolome ng PDEA Batangas at Atty. Jacinto C. Cabus ng NAPOLCOM Batangas.

Sinabi ni Provincial Director PCol. Oliver Ebora na ang hakbang na ito ay alinsunod sa mga alituntunin ng Police Regional Office (PRO) 4A upang tiyaking nananatiling ehemplo ng katapatan at disiplina ang bawat pulis-Batangueño.

Ito ay bahagi rin ng buong suporta ng provincial headquarters sa B.E.S.T program ng PRO 4A leadership.