Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
NCRAA Nagbigay ng kanyang panimulang pananalita si NCRAA general manager Buddy Encarnado.

Blue Hawks, Patriots nagpasiklab

Robert Andaya Apr 8, 2025
125 Views

BAHAGYA lamang pinagpawsan ang defending champion Immaculada Concepcion College bago pinabagsak ang Asian Institute of Maritime Studies, 86-62, sa pagsisimula ng 31st NCRAA basketball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Anim na players, sa pangunguna ni Felix Corpuz, ang nagsanib pwersa para sa Caloocan City-based Blue Hawks ni coach Ogie Gumatay.

Si Corpuz ay nagtala ng 12 points sa 5-of-9 shooting, at four rebounds sa 17 minutes of play para sa Blue Hawks, na nagdomina sa laro mula simula hanggang matapos.

Sina Alfred Flores, Totoy Ramirez, Jared Vento, ay Aljin Gadin ay nag-dagdag naman ng tig 10 points.

Gayundin, si Vento ay may eight rebounds at four assists habang si Flores ay may nine assists at four rebounds.

Nanguna sina Karlos Lapira at Gushtin Gurrea para sa Blue Sharks ni coach Darwin Dela Punta sa kanilang 14 at 13 points, ayon sa pagkadunod.

Si Gurrea ay may karagdagang 10 rebounds.

Nakatulong din si Ric Munsayac sa kanyang 12 points at six rebounds.

Samantala, umiskor si Gio Santiago ng game-high 31 points upang pangunahan ang De La Salle University-Dasmariñas sa 84-68 panalo laban sa University of Luzon.

Si Santiago ay may 13-of-19 shooting sa 28 minutes ng aksyon para kay Patriots coach Tito Reyes.

Si Rogelio Calagos ay nakapagtala naman ng near triple-double na 17 points, 11 assists at seven rebounds habang si

Andrei Delos Reyes ay may double-double na 12 points at12 rebounds.

Nakakuha naman ang Dagupan-based Golden Tigers ni coach Kareem Vidal ng 19 points, seven rebounds, six assists at three steals mula kay Jhomel Sansano sa loob ng 31 minutes na paglalaro.