Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BOC1

BOC nadiskubre P13.2M fresh carrots mula China sa loob ng containers sa Port of Manila

247 Views

NADISKUBRE ng Bureau of Customs ang P13.2 million na halaga ng fresh carrots mula sa China sa loob ng tatlong forty-foot containers sa Port of Manila.

Ayon kay District Collector Alexander E. Alviar, nagpalabas ng Alert Order sa nasabing shipment noong Oct. 8 dahil sa ulat ng tangkang smuggling.

Nang iutos ang physical examination sa mga container noong Oct. 17 nadiskubre ang mahigit 53,283 kilos ng fresh carrots na idineklarang bathroom fixtures, napkins, at storage boxes.

Noong Oct. 21 ininspeksyon ng mga opisyal ng BOC sa pamumuno nina Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, Deputy Commissioner for Enforcement Group PBGen Nolasco K. Bathan at District Collector Alviar, ang nasabing shipmen.

Ayon kay Maronilla inihahanda na ang [agsasampa ng kaso laban sa importer ng nasabing produkto.

Maglalabas din ng Warrant of Seizure and Detention sa shipment dahil sa paglabag Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang pagtatangkang ipasok sa bansa ng ilegal ang mga carrots galing China ay maaaring makaapekto sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.