BOC

BOC-NAIA agents ‘naamoy’ shabu sa parcel, sinamsam

Jun I Legaspi Feb 23, 2026
102 Views

NASABAT ng mga agents ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel mula sa US na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P800,000 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) noong Pebrero 20.

Napansin ang hindi tugmang deklarasyon ng laman at ang aktuwal na packaging ng parcel kaya nabuking na droga ang laman, ayon sa report.

Sa isinagawang pisikal na pagsusuri, natuklasan ang ilegal na substance at inaresto ang isang indibidwal na nagtangkang kunin ang parcel sa CMEC window.

“Sa BOC, bahagi ng aming mandato na siguraduhin na walang ilegal na droga ang makakapasok sa bansa. This is our duty, and we are always alert to protect the public,” ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno

Ang nakumpiskang droga at ang inarestong indibidwal ay isinailalim sa kustodiya ng PDEA para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).