BOC nakapagsampa ng 65 reklamo laban sa smugglers

203 Views

ng 65 criminal complaint ang Bureau of Customs sa Department of Justice laban sa mga pinaghihinalaang smugglers sa unang quarter ng 2023.

Sa naturang bilang, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na 49 ay kaugnay ng iligal na pagpasok ng produktong agrikultural sa bansa. Ang iba pa ay kaugnay ng iligal na pagpapasok ng produktong petrolyo, pagkain, at iba pang produkto.

Sinabi ni Rubio na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya ng kanyang ahensya laban sa mga iligal na nagpapasok ng produkto sa bansa.

“The Bureau of Customs remains steadfast in its commitment to safeguard our country’s borders and to protect our local industries from the harmful effects of smuggling, and we will not rest until we have put an end to this illegal activity,” ani Rubio.

Matatandaan na sunod-sunod ang mga iligal na kargamento na naharang ng BOC sa mga pantalan kabilang dito ang milyun-milyong halaga ng asukal, sigarilyo, at sibuyas.

“We will remain vigilant in our efforts to combat smuggling, and we will not hesitate to take legal action against those who seek to violate our laws and jeopardize the welfare of our nation,” dagdag pa ng lider ng Adwana.