Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Metro
Babae tumalon sa riles ng MRT-3 habang may paparating na tren, patay
Melnie Ragasa Jimena
Apr 12, 2023
932
Views
ISANG 74-anyos na babae ang namatay matapos tumalon sa riles ng Metro Rail Transit Line 3 habang paparating ang isang tren.
Ayon sa management ng MRT-3, ang hindi pinangalanang babae ay tumalon sa southbound track sa Quezon Avenue station alas-12:54 ng hapon Abril 12.
Nagtamo ng mga sugat ang babae na dinala ng mga tauhan ng Lifeline Arrows ambulance service sa East Avenue Medical Center.
Nagpatupad ng partial operation sa MRT-3 at naibalik ang full operation ala-1:20 ng hapon.
Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 management sa abalang naidulot sa mga pasahero ng insidente.
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
8-anyos na batang lalaki na-hit and run sa Taguig
Oct 31, 2026
