Salceda

BOC pinuri ng House tax chief sa sobrang nakolekta

139 Views

PINURI ni House Ways and Means committee chairperson Joey Sarte Salceda ng Albay ang Bureau of Customs (BOC) sa nakolekta nito noong Abril na lagpas sa kanilang target.

“Before we start our committee hearing for today, please allow me to congratulate the tax collection agencies for very good revenue collection performance. Hindi lang good ha very good,” sabi ni Salceda sa umpisa ng pagdinig ng kanyang komite noong Mayo 3.

Sinabi ni Salceda na nakakolekta ang BOC ng P68.274 noong Abril lagpas sa P68.199 bilyon na target nito. Pinuri rin ni Salceda ang BIR.

“This suggests that, despite uncertain global conditions, our tax collection agencies are exceeding expectations and are working hard to earn the lifeblood of Philippine government,” dagdag pa ni Salceda.

Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio sa unang apat na buwan ng taon ay nakakolekta na ang adwana ng P281.902 bilyon lagpas ng 6.29 porsyento o P16.682 bilyon sa target nitong P265.220 bilyon.

Mas mataas naman ito ng 10.89 porsyento sa nakolektang P254.226 bilyon sa unang apat na buwan ng 2022.

Noong Abril 28 ay naitala rin ng adwana ang pinakamalaking daily collection nito na umabot sa P7.510 bilyon.

Binura nito ang rekord na P6.074 bilyon na naitala noong Oktobre 14, 2022.

Pinuri at pinasalamatan ni Rubio ang mga empleyado at stakeholder ng ahensya sa kanilang dedikasyon at masigasig na pagtratrabaho na nagreresulta sa magandang performance ng BOC.