Vic Reyes

BOC tumutulong din sa mga estudyante, mahihirap na LGU at kababayan

Vic Reyes May 28, 2025
31 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga mambabasa, maging sa mga kababayan natin sa ibang bansa.

Binabati natin sina: Ma. Theresa Yasuki, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Mama Aki ng Ihawan,Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang patuloy na sumusuporta sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Malou Co, Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Mabuhay kayong lahat!

God Bless!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email: vicreyesjr08@yahoo.com.)

***

Hindi alam ng marami, ‘di lang taga-kolekta ng buwis at taripa mula sa imported goods ang trabaho ng Bureau of Customs (BOC).

Tumutulong rin ito sa mga estudyante sa public schools, mahihirap na local government units (LGUs) at mahihirap na kababayan natin.

Ginagawa ito ng BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, sa pamamagitan ng pag-donate ng mga abandonado at kumpiskadong goods.

Ang mga produktong ito ay ibinibigay ng BOC sa Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang abandoned goods at seized smuggled goods ay puwedeng isubasta, ipamigay o sirain ng BOC.

Maraming goods ang puwedeng pakinabangan ng mga mag-aaral, kagaya ng school supplies.

Ang mga computer, cellular phone, sasakyan o electric fan ay puwedeng pakinabangan ng LGUs.

Ang bigas, sardinas at iba pang consumer goods ay puwedeng ipamahagi ng DSWD sa mga mahihirap o orphanages.

Pero ang mga makasasama sa kalusugan, kagaya ng iligal na droga at pekeng gamot, ay dapat sirain kaagad.

Baka kasi ma-pilfer pa sa mga bodega na pinagiimbakanng mga ito.

***

Ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay mabunga sa tulong ng two-chamber Congress – ang Senado at Kamara de Representante.

Madaling naipapasa ng dalawang kapulungan ang tinatawag na Legislative Agenda” ng gobyerno.

Madali pero hindi “rail roaded” ang agenda.

Dumadaan ito sa tamang proseso para masiguro na makatutulong ang agenda sa mamamayan at bayan.

Sa Kamara de Representante, nakatutok si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa iba pang programa at proyekto ng administrasyon.

Hangad ni Speaker Romualdez na maging matagumpay ang pamumuno ni PBBM.

Dahil nakikita naman ng mga kongresista ang pangangailangan ng bansa ay todo-suporta sila kay Speaker Romualdez.

Tuloy lang ang magandang trabaho diyan sa Kongreso.

***

Pabayaan na lang natin na umusad ang gulong ng hustisya sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa tingin nga natin, ay dapat tumulong ang gobyerno sa mga naghain ng reklamo laban sa dating pangulo.

Dahil ang mga ito ay mga kababayan natin na naging biktima ng madugong“drug war” ng nakaraang administrasyon.