Bodyguard

Bodyguard nalasing, nanakot ng babae, huli

Steve A. Gosuico May 25, 2025
20 Views

CABANATUAN CITY— Hinuli ng mga pulis ang lasing na civilian bodyguard na armado ng baril at nanakot ng babae habang nag-iinuman sa Lupao, Nueva Ecija noong Sabado.

Ayon sa ulat, sumigaw pa ang suspek ng: “Gago ka babarilin kita” sa kainumang babae sa isang bahay sa Purok 4, Brgy. Bagong Flores, Lupao bandang alas-9:30 ng gabi.

Nagpakilala pang civilian bodyguard ang suspek pero hindi nakalusot dahil inaresto din.

Dinampot ang suspek matapos makapkapan na may 9mm pistol na naglalaman ng limang bala.

Sinabi ni PCol. Ferdinand Germino, hepe ng pulisya sa Nueva Ecija, na nabigo ang suspek na magpakita ng anumang kaukulang dokumento kaugnay ng kanyang baril.

Mga kasong grave threats, paglabag sa Republic Act 10591 at Comelec Resolution no. 11067 ang isasampa sa suspek.