Calendar
Boga, bala nakuha sa naarestong lalaki
DALAWANG lalaki ang naaresto noong Biyernes dahil sa pag-iingat ng mga baril at bala sa Agoncillo at Calaca City, Batangas, ayon sa report kay Batangas police director P/Col. Geovanny Emerick Sibalo.
Nadakma sa Sitio Bilog-Bilog, Brgy. Coral na Munti, Agoncillo, Batangas ang isang suspek na nakilalang si alyas Antonio na hinuli dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Nakumpiska sa suspek ang isang Glock pistol case, isang cal .40 pistol, dalawang magasin at 15 bala para sa cal .40.
Bandang alas-2:45 ng hapon noong Agosto 21 sa Brgy. Munting Coral, Calaca, Batangas naaresto ang suspek na si alyas Andie sa bisa ng search arrant dahil din sa paglabag sa RA 10591.
Narekober sa suspek ang isang Colt cal .45 at 4 na cartridge cases.

