Calendar
Boga, droga nasamsam sa 3 kelot
CABANATUAN CITY–Tatlong lalaki ang nalaglag sa kamay ng Nueva Ecija police dahil sa pagi-ingat ng ilegal na boga at droga noong Biyernes.
Nakumpiska mula sa tatlo ang dalawang cal .38 revolver, isang shotgun at shabu na may halagang P29,036.
Kasama sa natimbog ang 43-anyos na online seller dahil sa pagbebenta ng shabu halos 1 gramo ng shabu na may halagang P4,624.
Sa Science City of Muñoz, kalaboso ang 37-anyos na tricycle driver matapos magbenta ng isang di-lisensyadong shotgun sa halagang P7,000 at 3.59 na gramo ng shabu na may halagang P24,412.
Sa Gapan City, isang 42-anyos na hinihinalang gun dealer ang nahuli siya sa aktong nagbebenta ng 38 revolver na kargado ng anim na bala sa halagang P1,500.
“Binabalaan ko ang mga indibidwal na may hawak ng iligal at loose firearms na isuko agad ang mga ito, o magsasagawa kami ng operasyon laban sa inyo.
Hindi kami magsasawa sa pagtugis sa mga loose firearms sa probinsya na maaaring gamitin sa krimen at ilegal na gawain,” pahayag ni Nueva Ecija police chief Col. Haryl Bruno.

