Calendar
Natl ID-linked pass balak ng Bataan gob
BALANGA CITY, Bataan–Para mapabilis ang serbisyo sa mga Bataeño, isinusulong ng pamahalaang panlalawigan, sa pamumuno ni Gov. Joet Garcia, ang pagbibigay ng Bataeño pass sa mga mamamayan.
Ipinaliwanag ni Gov. Garcia na naka-link sa national ID ang Bataeño pass kaya mas madali itong gamitin bilang tunay na proof of identity sa pagbibigay ng ayuda, gamot, iskolar, sa mga graduates, persons with disabilities, senior citizens at iba pa.
“Malaking bagay ito na masuportahan natin ang ating mga kababayan lalo na sa mga nangangailangan ng tulong, mga voucher, pati mga liquidation dahil gusto natin maging transparent,” paliwanag ng gobernador.
Idinagdag pa ng gobernador na lalong makakatulong ito sa mga vulnerable sectors na nahihirapan sa paghingi ng tulong.
Sinabi rin ni Gov. Garcia na balak din niyang gawin ito sa private sector, pati sa mga loyalty cards at pagbili ng mga gamot ay naka record ito.

