Anicete Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13, ang suspek na naaresto matapos mabuking na pumutok ang kanyang baril at tinamaan sa kanyang kamay. JONJON C. REYES

Boga nabuking nang pumutok, kamay ng may dala tinamaan

Jon-jon Reyes Jul 25, 2025
214 Views

NAARESTO ng mga pulis ang 28-anyos na lalaki ng biglang pumutok ang kanyang baril at tinamaan siya sa kamay nito sa Block 5, Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila noong Huwebes.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng Station 13 ng Manila Police District, bandang alas-10:40 ng gabi habang nagsasagawa ng Anti-Criminality campaign ang mga pulis nakarinig sila ng putok ng baril.

Nang kanila itong siyasatin, nakita nilang umaawas na sa kanang kamay ng suspek ang dugo habang nakaupo sa bangketa.

Ang kasamahan ng suspek na si alyas Jonmark, 22, ang nagbigay ng salaysay sa mga awtoridad.

Dinala sa ospital ang suspek subalit pinalabas rin at dumiretso na sa kulungan dahil sa kakaharaping kaso na Illegal discharge of firearms at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms Law and Ammunitions).