Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Rider

Boga, shabu nabuko na dala ng delivery rider

Edd Reyes Aug 1, 2025
213 Views

ARESTADO ng mga pulis ang delivery rider dahil sa ilegal na droga at baril noong Huwebes sa Valenzuela City.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas sa kanto ng Lorex Avenue at Erin St., Brgy. Gen. T. De Leon alas-3:00 ng madaling araw nang parahin si alyas Louie dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Sa halip na huminto, pinaharurot ng suspek ang motorsiklo niya kaya hinabol siya ng mga tauhan ng Tactical Motorcycle Reaction Unit (TMRU). Nang masukol, tinulak niya ang mga aarestong pulis at tinangkang tumakas kaya’t dinamba nina PSSg Jomar Guiyab at PCpl Roldan Dula.

Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang 0.84 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5,712 at wala din siyang lisensya sa pagmamaneho kaya ini-impound ang gamit niyang motorsiklo.

Mga kasong resistance and disobedience to a person in authority at pag-iingat ng ilegal na droga ang kasong isasampa ng pulisya laban sa suspek.