Calendar
‘Bonnet Gang’ binaril pamilya sa Ilocos Sur, ama tigok
MAGSINGAL, Ilocos Sur–Patay ang lalaki at malubhang nasugatan ang asawa nito nang pagbabarilin ng mga nakatakas na salarin noong Sabado sa Brgy. Patong, Magsingal, Ilocos Sur habang nakasakay sa motorsiklo.
Sa ulat ni P/Lt. Richard Pajo, hepe ng pulis, nakilala ang namatay na biktima na si alyas Maynard, 33, at si Mary Rose, 32, ang malubhang nasugatan.
Himala naman at hindi tinamaan ng bala ang kanilang anak na si Andrea Hilarie Torreno, 9.
Binabaybay ng mga biktima mga alas-8:40 ng umaga ang barangay road sakay ng itim na Honda TMX tricycle (709 AWG) ng biglang paulanan ng bala ng mga hindi nakikilalang suspek na nakasuot ng face bonnet.
Matapos ang insidente, tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Isinugod sa Ilocos Sur District Hospital, Magsingal ang mag-asawa kung saan idineklarang dead-on arrival ang lalaki ni Dr. Marley Oracion.

