Calendar

Health & Wellness
Booster para sa edad 12-17 hindi pa inirerekomenda
Peoples Taliba Editor
Feb 24, 2022
233
Views
HINDI pa inirerekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang pagbibigay ng booster shot laban sa COVID-19 sa mga edad 12-17 taong gulang.
Ayon kay VEP chief Dr. Nina Gloriani wala pang pag-aaral na nagsasabi na humihina na ang proteksyon na naibibigay sa kanila ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Gloriani na batay sa mga naunang pag-aaral ay maganda ang immune response ng mga bata.
Noong Nobyembre 3, 2021 sinimulan sa bansa ang pagbabakuna sa mga edad 12 to 17.