Calendar
Botante dapat maging matalino sa pagpili ng iboboto
ORION, Bataan–“Ang mga botante, lalo na ang mga kabataan, dapat ma educate para maging matalino sa pagpili ng kanilang iboboto sa darating na halalan.”
Ito ang pinahayag ng mayoral candidate na si Cid Gervacio ng Sta. Elena, Orion, Bataan.
Ayon kay Gervacio, dapat piliin ang mga kandidato na may malasakit sa bayan at hindi ‘yong may personal na interest lamang.
Ang paglahok sa politika ni Gervacio dahil sa hangarin nitong magkaroon ng pagbabago ang Orion.
“Walang pagbabago itong bayan natin kayat’ naisipan kong pumalaot sa politika dahil na rin sa pag endorso at pagtitiwala ng iba’t-ibang kababayan dito sa Orion na humabol ako ng pagka mayor,” ani Gervacio.
Samantala, inendorso kamakailan nina dating Executive secretary Vic Rodriguez at dating Cabinet secretary Jun Evasco si Gervacio na tatakbong mayor.
Si Elcid Gervacio Diancin galing sa pamilyang mahirap ngunit nagsumikap hanggang sa magtagumpay.
Isa na siyang company executive sa Manila.
Sinabi rin ni Gervacio na hindi niya kukwestiyonin ang pagtakbo ng pang limang term na mayor si incumbent mayor Tonypep Raymundo, na ngayon nasa fourth consecutive term na bilang mayor.
“Hindi ko hahabulin si Tonypep Raymundo sa kanyang kwestyonableng paghabol ng pang limang term bilang mayor pero gusto ko lang maiayos ang bayan ng Orion,” wika ni Gervacio.
Ayon pa kay Gervacio, ayaw niyang makipagbanatan o makipagsiraan sa mga katunggali sa politika.
Hindi niya ikinahihiya na naging karpintero at magsasaka siya dahil mahirap ang buhay nila noon.