Promdi

Boy, may paalala sa eleksyon: #50 is fabulous

259 Views

Ang King of Talk na si Boy Abunda ay naglilibot para suportahan ang isang issue na malapit sa kanyang puso.

Ang pride ng Borongan, Eastern Samar, kung saan siya ipinanganak at namulat, ay nagbuhos ng oras at lakas para tulungang umunlad ang Samar at mga karatig probinsya. Pero hindi niya ito kayang gawin mag-isa.

Noong 2019, napukaw ng Ang Probinsyano Partylist ang atensyon ni Kuya Boy dahil sa kanilang track record sa pagsusulong ng development sa mga rural area, lalo na sa mga sulok ng Pilipinas.

Masugid niyang inantabayan sa nakaraang tatlong taon ang mga nagawa ng Partylist na ito para masigurong totoo ang adbokasiya ng Ang Probinsyano.

Hindi naman nabigo si Kuya Boy dahil napatunayan ng grupo ang dedikasyon noong nagawa nitong pangunahan ang pagtulong sa mga liblib na lugar nitong panahon ng pandemya habang patuloy na tinututukan sa Kongreso ang pagkakaroon ng libre at dekalidad na edukasyon; mas maraming infrastructure at mas malawak na social services para sa mga probinsyano, pati na rin ang mas pinaraming oportunidad at ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda, mga lokal na manggagawa at iba pang maliliit na negosyo.

Isang tunay na Probinsyano mula’t sapul, walang alinlangang tinanggap ni Kuya Boy ang imbitasyon ng party-list na maging tagapayo at maging bahagi sa pagbibigay atensyon sa mga nakakaligtaang sektor ng lipunan.

“Nu’ng nakilala ko na finally si Congressman Alfred delos Santos, ang first nominee ng Ang Probinsyano, na-recognize ko agad ang pagkakamukha ng aming mga pangarap para sa ating mga probinsya. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Apid, I’m impressed with what Ang Probinsyano has done for our fellow promdis around the country in so short a time, and with the pandemic complicating everything. So here I am — ready and willing to help Ang Probinsyano carry on its promise toward better provinces across the country, ergo, a better Philippines.”

Ikinababahala ni Kuya Boy na nagiging masyadong nakakalito ang proseso ng party-list election, ngayong merong mahigit 165 na party-list ang tumatakbo para sa Kongreso.

“Sa rami nila, nakakalito talaga para sa ating mga kababayan kung alin ang pipiliin nila, lalo na’t ini-raffle na rin ang numero ng bawat isa sa balota,” paliwanag niya.

“Kaya ako, umiikot talaga ako ngayon para siguraduhin na alam ng mga tao na No. 50 ang Ang Probinsyano sa balota. ’Wag silang malilito, lalo na sa mga grupong katunog lang din o para bang ginagaya lang ang pangalan natin.”

Nag-aalala si Kuya Boy na kapag tuluyang nalito ang mga tao, mawawalan ang Kongreso ng isang masipag at mahalagang party-list na tunay, tapat at buo ang puso sa mga ipinaglalaban nito.

“Masasayang lamang ang napakagandang nasimulan ng Ang Probinsyano kung mamamali lang tayo sa pagboto,” dagdag ni Kuya Boy. “Kaya ito na lang ang ating tandaan sa araw ng eleksyon — doon na tayo sa #50 and fabulous!”

Habang patuloy na ikinakampanya ang Ang Probinsyano, ikinagagalak ni Kuya Boy na makitaang iba pang mga kilalang artista — na gaya niyaay napamahal na rin at pinili ang buhay probinsyano na nakikiisa sa paghihikayat sa pagpili sa #50 sa araw ng halalan.

“Kasama na namin si Piolo (Pascual) na ang laging sabi naman ay ‘Huwag nang mag 50-50 sa party-list dahil #50 is it!’” natatawang sabi ni Kuya Boy.

“Siyempre, nandyan din si JM de Guzman, isang napakabait na bata at napakagaling na aktor at ang bagong volunteer ng grupo na social media sensation, si Donnalyn Bartolome.”

“Sila ang mga ka-50 namin ni Piolo kahit iba-iba kami ng edad kasi pare-pareho naman ang aming pagmamahal para sa ating mga probinsya,” pagtatapos ni Kuya Boy.