miss universe

Miss Universe 2022 inaabangan na

Aster A Amoyo Mar 27, 2022
692 Views

THIRTY-five-year-old architect and former 2011 Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee is the national director of Miss Universe Philippines Organization now on her 3rd year with the said organization.

Matapos i-announce ang 50 delegates ng 2022 Miss Universe Philippines last February 28, tiyak na aabangan naman ng lahat ang ikatlong grand coronation ng 2022 Miss Universe Philippines (MUP) na nakatakdang ganapin sa SM Mall of Asia Arena sa darating na April 30 , Saturday.

Ang 50 delegates ng 2022 Miss Universe Philippines ay sumailalim ng iba’t ibang virtual challenges tulad ng Head Shot Challenge, Introduction Challenge, Siwmwear Challenge at Fashion and

Runway Challenge at pagkatapos ng nasabing challenges ay napili ang pumasok sa Top 30 Delegates na siyang magku-compete for the crown come April 30, 2020 sa grand coronation night. Ang mananalo ay siyang kakatawan sa Pilipinas sa ika-71st Miss Universe Pageant bago magtapos ang taong kasalukuyan. Ang 2021 Miss Universe na si Harnaaz Sandhu (ng India) ang siyang magpuputong ng korona sa tatanghahaling 2022 Miss Universe.

Ang kinatawan ng Pilipinas sa 2021 Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez ay pumasok sa Top 5.

Samantala, tatlong past Miss Universe titleholders ang magsasama-sama to host the 2022 Miss Universe pageant at ang mga ito ang ikatlong Filipina Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang 2016

Miss Universe na si Iris Miettenaere ng South Africa at ang 2017 Miss Universe na si Demi-Leigh Tebow ng France. Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon na tatlong Miss Universe title winners ang magkakasama to host the 2022 Miss Universe Philippines kaya lalong na-excite ang mga beauty pageants buffs.

julius and tin tinJulius at Tintin magkasama muli
IDEAL couple na maituturing ang mag-asawang journalists, radio and TV anchors, entrepreneurs and vloggers na sina Julius at Tintin Babao na hanggang ngayon ay hindi pa rin nababahiran ng anumang kontrobersiya ang pagsasama bilang mag-asawa sa loob ng mahigit 18 taon.

Ang pag-iibigan nina Julius (53) at Tintin (51) ay nabuo sa set ng kanilang daily morning show, ang “Alas Singko Y Media” on ABS-CBN. Ang dalawa ay unang nagkita at nagkakilala sa newsroom ng “TV Patrol” kung saan kabilang pa noon si Mel Tiangco na nasa “24 Oras” na ngayon ng GMA.

Si Mel ang unang nagtukso sa dalawa na bagay umano sila although at that time ay pareho pa silang may ibang karelasyon.

The couple is blessed with two beautiful children na sina Antonia Julia Sofia or Anya (17) at Antonio Francesco or Nio (12) na busog din sa pagmamahal and guidance ng mag-asawang Julius at Tintin.

Although may sariling rooms ang magkapatid na Anya at Nio, natutulog pa rin ang magkapatid sa kuwarto ng kanilang parents including their favorite dog na si Mari na kinu-consider ng mag-asawa as their third and youngest `child.’

“We enjoy them habang bata pa sila kasi when they’re both grown up and start to become independent, hindi na namin sila makaka-bonding tulad ngayon,” ani Tintin.

Tintin and Julius have so many things in common kaya nagla-last ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. They’re not only supportive of each other’s careers kundi pareho rin sila mahilig mag-travel and mag-explore ng new things, both patron of arts (especially Julius who is also an occasional painter), foodie at pareho rin silang vloggers at nagtapos in same school, University of the Philippines kung saan sila parehong nagtapos ng Mass Communications.

The couple is back hosting their own show on TV, ang “Julius & Tintin: Para sa Pamilyang Pilipino” na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 4-5 p.m. sa One PH Cignal TV simulcast sa 92.3 News FM live-streamed sa YT & FB pages of OnePH.

wilmaWilma ikinasal kahit may tatlo nang anak
SA kabila ng kanyang pagkakaroon ng tatlong anak sa magkakaibang guy, model, actress-comedienne and entrepreneur Wilma Doesn’t finally exchanged “I Do’s” with her non-showbiz fiancé na si Gerick Parin na ginanap sa Aquila Crystal Palace in Tagaytay nung nakaraang Sabado, March 26 na dinaluhan ng kanilang respective families and friends. The couple got engaged in July 2021 at itinaon sa kaarawan mismo ni Wilma.

Masayang-masaya si Wilma dahil bukod sa pagmamahal sa kanya ng kanyang husband na si Gerick, tanggap din nito ang kanyang tatlong anak sa ibang nakarelasyon.

Ngayong may katuwang na sa buhay si Wilma, ito’y kanyang ipinagpapasalamat sa Itaas.

kathryn and daniel kathrynKathryn sa Palawan nagdaos ng birthday kasama si Daniel
KAPAMILYA superstar Kathryn Bernardo decided to celebrate her 26th birthday last March 26 sa beach ng El Nido in Palawan together with her longtime boyfriend, ang matinee idol na si

Daniel Padilla kasama ang ilang malalapit na kaibigan tulad nina Joshua Garcia, Ria Atayde, Lora Sasam among others.

Samantala, inaabangan na ng mga fans ng KathNiel ang kanilang upcoming new TV series, ang “2 Good 2 Be True” na malapit nang matunghayan sa ere.

Up to this day, ang KathNiel pa rin ang No. 1 loveateam sa bansa although may naglalabasan na ring bagong loveteams.

 

Direk Joel di nawawalan ng project
SA darating na September 21, award-winning veteran director Joel Lamangan will be celebration his 70th birthday. Tiyak namang hindi makakalimutan ang kaarawan ni Direk Joel dahil ito rin ang araw ng Martial Law anniversary sa bansa.

Grateful si Direk Joel na sa kabila na nasa gitna pa rin ang bansa ng pandemic sa loob ng mahigit dalawang taon na ay hindi siya nawalan ng proyekto. Katunayan, naging sunod-sunod pa ang kanyang paggawa ng pelikula laluna sa bakuran ng Viva Films for Vivamax streaming.

Among the veteran and mainstream directors, si Direk Joel ang may pinakamaraming pelikulang naidirek since the start ng pandemic lockdown nung March 2020.

“Sa awa naman ng Diyos, hindi tayo nawalan ng proyekto,” masaya niyang pahayag sa virtual presscon ng kanyang upcoming directed movie na “Island for Desire” under Viva Films.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.