Mandanas

BPDRRMC nagdaos ng emergency meeting

72 Views

BATANGAS – Pinamunuan ni Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (BPDRRMC) Chairperson, Governor Hermilando Mandanas, ang idinaos na Emergency Meeting ng naturang konseho noong Martes, ika-5 ng Nobyembre 2024, kaugnay sa pagtalakay sa kasalukuyang sitwasyon ng Batangas.

Ito ay halos dalawang linggo matapos manalasa ang Bagyong Kristine at mag-iwan ng matinding epekto at bilyong halagang pinsala sa iba’t ibang lugar sa probinsya.

Kabilang sa mga naging pangunahing agenda sa pagpupulong, na ginanap sa bayan ng Talisay, ang situation updates patungkol sa tuloy-tuloy na operations ng lalawigan, pagtalakay sa preparedness and response actions na ipinaganap at patuloy na ipinagaganap ng mga kasaping miyembro ng Batangas PDRRMC, guidelines para sa pagpapatupad ng forced at pre-emptive evacuation, at pag-uulat sa mga naging resulta o findings ng isinagawang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis o RDANA.

Nagbigay-daan din ang meeting para mapag-usapan ang ilang mahahalagang probisyon na nakasaad sa Republic Act 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018.

Dinaluhan ang ginanap na pagtitipon ng mga PDRRMC members mula sa mga lokal na pamahalaan, national agencies, at ilang mga pampubliko at pribadong organisasyon.