BPPO

BPPO: Krimen sa Batangas bumaba ng 18%

106 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Bumaba ang krimen sa Batangas base sa data ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) ng 18.9% (340 insidente) mula Hunyo 4 hanggang Setyembre 9, 2024 kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ito umano ang resulta sa unang 100 araw ng pamumuno ni acting Provincial Director PCol. Jacinto Malinao Jr.

Iniugnay ang pagbaba ng krimen sa pagtaas ng police visibility, proactive crime prevention measures at dedikasyon ng mga opisyal ng BPPO.

Nakaaresto ng 556 na mga suspek sa ilegal na droga at umaabot sa P16,749,479.20 ang halaga ng iba’t-ibang droga na nasabat.

Arestado ang mga 601 wanted na indibidwal, 804 sa iligal na sugal, nakakumpiska ng taya na P255,702; 63 sa mga loose firearms at 77 pang nakupiskang baril.

Nagpasalamat si PCol. Malinao sa mga pulis sa kanilang pagsusumikap at dedikasyon sa tungkulin.

Kinilala rin niya ang suporta ng komunidad, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na organisasyon sa pagkamit ng mga makabuluhang milestone na ito.