Calendar
BPPO sumailalim sa site validation, ocular inspection

LUNGSOD ng Batangas–Sumailalim sa site validation at ocular inspection ng Technical Working Group (TWG) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Batangas Police Provincial Office (PPO) noong Biyernes sa pangunguna ni PCol. Oliver Ebora, BPPO director.
Sinuri nina Col. Jesicar Barcil, chief ng AFP Real Estate Office (REO), kasama sina Col. Primrose Corral at Lt. Col. Reynaldo Hermida, Jr. ang mga real estate property, pasilidad at logistics management framework ng kampo.
Layunin ng inspeksyon na masuri ang mga imprastraktura at tiyakin ang episyenteng paggamit ng espasyo para sa mga operasyon.
Sinalubong nina PMaj. Billy John Mactal at iba pang opisyal ng Batangas PPO ang delegasyon ng militar.
Ang hakbang na ito ay patunay ng matibay na kooperasyon ng PNP at AFP.

