Calendar
BPSF muling umarangkada sa balwarte ni Speaker Martin G. Romualdez
𝗧𝗔𝗖𝗟𝗢𝗕𝗔𝗡, 𝗟𝗘𝗬𝗧𝗘 – – 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗯𝗮-𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗿𝗲𝗮𝗸 𝗼 𝗽𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙) 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴 “𝗽𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺” 𝗻𝗴 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘆𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗹𝘄𝗮𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗺𝘂’𝘁-𝘀𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗼-𝗹𝗶𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘄𝗲𝗿𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀.
Pinangunahan ni Speaker Martin G. Romualdez ang buong puwersa ng mga kongresista makaraang maitala na nasa 240 mambabatas ang dumalo sa ginanap na region-wide payout ng MEGA BPSF sa Tacloban Leyte na dinaluhan din ng ilang local na opisyal mula Eastern Visayas at karatig lalawigan.
Isa sa mga kongresistang dumalo sa MEGA BPSF sa nasabing lalawigan ay si Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano na dumayo pa mula sa Maynila para lamang saksihan ang isa na namang makasaysayang “serbisyo caravan” ng administrasyon na isang priority program ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.
Ayon kay Valeriano, isang matagumpay na MEGA-BPSF na naman ang naisakatuparan ng administtasyong Marcos, Jr. sa pangunguna ni Speaker Romualdez upang matulungan ang nasa tinatayang 8,500 beneficiaries mula sa Eastern Visayas. Ilan sa mga natanggap nilang ayuda mula sa gobyerno ay ang bigas, educational assistance at livehood assistance sa ilalim ng tatlong program na mismong pinangunahan ng House Speaker na ipinag-uutos naman ng Pangulong Marcos, Jr.
Paliwanag pa ni Valeriano na ang priority ng serye ng BPSF program ay ang matulungan ang mga mahihirap na mamamayan at pamilya partikular na ang iba’t sektor gaya ng sektor ng mga magsasaka, mangingisda at mga manggagawa.
Binigyang diin ng kongresista na habang lumalaon ay parami ng parami ang mga mamamayang Pilipino na naaabutan o nababahaginan ng tulong ng BPSF program lalo na sa mga lalawigan na unti-unting bumabangon mula sa matinding krisis na pinagdaanan nila sa mga nakalipas na panahon.
Ang binabanggit ni Valeriano ay ang pinagdaanan ng Tacloban, Leyte sa nakaraan matapos itong hagupitin ng supertyphoon Yolanda noong 2013 na ikinasawi ng libo-libong mamamayan ng lalawigan.
To God be the Glory