Brownlee Nagpasikat si Brownlee laban sa Iran. PSC/POC photo

Brownlee bida sa panalo ng Gilas kontra Iran

Robert Andaya Oct 4, 2023
232 Views

HANGZHOU — Tulad ng inaasahan, hindi binigo ni Justin Brownlee ang Gilas Pilipinas.

Umiskor si Brownlee ng game-high 36 points, kabilang na ang game-winner, upang maitakas ng Gilas Pilipinas ang isang kapanapanabik na 84-83 panalo laban sa Iran at umabante sa kanilang unang semifinals sa loob ng 21 years sa 19th Asian Games basketball tournament sa Zhejiang University Zijingang Gymnasium sa Hangzhou, China.

Bagamat parang bulang naglaho ang 21-point na kalamangan ng mga Pilipino dahil sa pursigadong paghahabol ng mga Iranians, nagpakitang gilas si Brownlee at six-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Sa kabuuan, si Brownlee ay kumayod ng husto sa first quarter, na kung saan siya gumawa ng 16 points, at third quarter, na kung saan meron naman siyang 15 points.

Bukod dito, nagdagdag pa ang sikat na Barangay Ginebra imp[ort, na naglaro lamang ng walong minuto sa panalo ng Gilas laban sa Qatar, ng walong rebounds at four assists laban sa mga Iranians.

Nagpasikat din para sa Gilas sina Fajardo sa kanyang 18 points sa 7-of-9 shooting, walong rebounds at four assists, at PBA MVP Scottie Thompson sa kanyang 11 points, six rebounds and two assists.

Haharapin ngayon ng Gilas ang host China sa semifinals.

Tinalo ng China ang tigasin ding South Korea, 84-70, sa isa pang quarterfinal match.

Lumamang ang mga Pilipino ng 21 puntos, 62-42, sa third quarter at 17 puntos, 71-54, sa pagsisimula ng fourth quarter laban sa mga Iranians.

Subalit ang inaasahang maagang pagdiriwang ng mga Pilipino ay naantala matapos magpakawala nag mga Iranians ng 22-7 scoring run sa pangunguna ni Mohammadsina Vahedi uopan gidikit ang score, 76-78, na may3:35 pang nalalabi.

Isa pang tres na Vahedi ang nagbigay sa Iran ng 81-80, kalamangan.

Hindi naman natinag sina Fajardo at Brownlee upang agawin muli ang trangko, 84-83, sa huling minuto ng sagupaan upang tiyakin ang panalo sa harap ng madaming mga taga-suporta, na kinabibilangan nina San Miguel Corporation sports director/team manager Alfrancis Chua at PBA Commissioner/assistant team manager Willie Marcial.

Huling nagka-medalya ang Pilipinas sa Asian Games nung 1998 sa Bangkok, samantalang ang huling gintong medalya pa ay sa 1962 Jakarta Asiad — pang-apat na sunod mula noong 191 sa Delhi.

The scores:

Philippines (84) — Brownlee 36, Fajardo 18, Thompson 11, Oftana 7, Perez 6, Kouame 4, Newsome 2, Alas 0, Tolentino 0, Aguilar 0.

Iran (83) — Vahedi 24, Rezaeifar 14, Mirzaeitalarposhti 12, Aghajanpour 11, Girgoorian 8, Mashayekhi 6, Kazemi 6, Pazirofteh 2, Shahrian Nasl 0, Gholizadeh Tousarani 0, Torabi 0.

Quarterscores: 28-22, 48-36, 71-54, 84-83.