Calendar

Bumalik ang tiwala sa BOC mula nang maupo si Rubio
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Saudi Arabia at Oman.
Binabati rin natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Chato Coronel, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kasangga ng mga Pinoy sa Japan si Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
***
Talaga namang maganda ang ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Hindi lang pala mga kababayan natin ang nakakapansin sa mga reporma sa aduana na nagpabago sa imahe ng ahensya.
Dati, ang BOC na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay kilala bilang isa sa mga graft-ridden government agencies.
Magmula nang maupo si Commissioner Rubio sa aduana ay unti-unting nawala ang mga hindi kanais-nais na bagay sa waterfront.
Bumalik ang tiwala ng mga stakeholders sa mga “men and women in customs uniform.”
Sa tingin ng iba ay naging patas na ang labanan sa waterfront.
Pati small-time customs brokers ay puwede ng makapag-hanapbuhay na hindi inaapakan ng mga bigtime broker.
Hindi ito lingid sa kaalaman ng highly-influential na Asia’s Golden Icon Leader Award.
Noon ngang Pebrero 28 ay pinarangalan ng grupo si Commissioner Rubio bilang isa sa 2025 Golden Icon Leader Awardees.
Kinilala siya dahil sa kanyang“exemplary leadership in customs administration.” Ang award ay ibinibigay sa mga lider na kilala dahil sa kanilang excellence, vision and impact.
Ang mga lider na ito “inspire change and shape the future,” ayon sa Golden Icon Leader Award.
Sa awarding rites na ginanap sa Manila ay dumalo din sina Depcom Clarence Dizon at Collector Marlon Agaceta.
Sa kanyang acceptance speech ay inialay ni Commissioner Rubio ang kanyang award sa “hard-working men and women in customs uniform.
“I am very much honored to receive this award not just for me, but the men and women of the Bureau of Customs,” ayon kay Rubio.
Sinabi niyang “it is a testament to the hard work and contributions of the BOC to the country.”
Sa leadership ni Rubio ay tuloy-tuloy ang digitalization, fight against graft and corruption, at smuggling.
Noong nakaraang taon ay nakamit ng BOC ang pinakamataas na revenue collection sa isang taon.
Hindi tsamba ito.
Pinaghirapan ito ng mga opisyal at tauhan ni Commissioner Rubio.
***
Tapos na ang tinatawag na buwan ng mga Puso.”
Nagsimula na ang summer months ng taon. Iinit na ang panahon at nandiyan na naman ang mga iba’t-ibang sakit.
Ubo, sipon, at trangkaso.
Sana naman meron tayong mga sapat na gamot sa mga health centers sa bayan at barangay.
Dahil sa tumataas na presyo ng lahat ng bilihin ay mahihirapan ang mga tao kung may magkasakit pa sa pamilya.
Pero sa tingin natin ay handang-handa ang gobyerno para tugunan ang mga pangangailang medical ng taumbayan.
Hindi ba, Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Health Secretary Teddy Barbosa?