Martin2

Bunga ng pagsisikap ni PBBM nararamdaman na—Speaker

189 Views

NAGSISIMULA na umanong maramdaman ang bunga ng pagsusumikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maiangat ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang sinabi ni Speaker Martin G. Romualdez matapos na makapagtala ang Pilipinas ng 7.6 porsyentong paglago sa gross domestic product (GDP) sa ikatlong quarter ng 2022, ang unang quarter ng Marcos administration.

“President Marcos silent hard work on uplifting the economy is beginning to work. The economic expansion in the months of July to September 2022 is proof of that,” sabi ni Romualdez.

Sinabi Romualdez na personal nitong nasaksihan ang pagsusumikap ng Pangulo upang mahikayat ang mga dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa bansa.

“Truly our mindset is now in the endemic phase in terms of our economic strategy. The House of Representatives will follow through with this emerging policy so we may build on this economic growth. The Chief Executive has indeed shown us the right direction,” dagdag pa ng pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ang pinakamalaking partido sa Kongreso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) lumago ang GDP ng bansa ng 7.6 porsyento.