Bus na bumibiyahe sa EDSA Bus Carousel planong dagdagan ng LTFRB

169 Views

PLANO ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan ang bilang ng mga bus na bumibiyahe sa EDSA carousel para mapaikli ang oras ng paghihintay ng mga pasahero.

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III dapat ay mayroong dumating na bus sa terminal ng EDSA Carousel dalawang minuto mula sa pag-alis ng pinakahuling bus na nagsakay ng mga pasahero.

Sa pag-aaral umano ng LTFRB minsan ay umaabot ng tatlo hanggang 10 minuto ang paghihintay ng mga pasahero.

Mayroon umanong 550 bus na pinayagang mag-operate sa EDSA Bus Carousel subalit hindi lahat ay pinabibiyahe ng mga bus operator.

Sinabi ni Guadiz na mayroong kompanya na hindi kasali sa kasalukuyang consortium ng EDSA carousel ang nais na magpasok ng 50 bus dito.

Kung hindi umano magbabago ang sitwasyon sa EDSA carousel ay posibleng magpapasok ang LTFRB ang bagong operator.