Libreng Sakay posibleng magbalik sa Pebrero—LTFRB

133 Views

Magbabalik umano ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel kapag nailabas na ang pondo para rito.

Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa gitna ng pagsusumamo ng mga pasahero naipagpatuloy ang libreng sakay sa EDSA.

Sa pagtataya ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III maaaring magsimula muli ang libreng sakay sa Pebrero.

Batay sa P1.4 bilyong pondo na inilaan sa programa tatagal ang libreng sakay hanggang sa Hulyo.

Hindi naman inalis ni Guadiz ang posibilidad na magkaroon ng dagdag na pondo para maipagpatuloy pa ang programa.