Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano

Business permit online processing simula sa Jan 2 sa Pasay

Edd Reyes Dec 27, 2024
15 Views

MAGSASAGAWA na rin ng online processing ang Pasay City upang mapabilis at gawing sistematiko ang pag-proseso ng business permit renewal simula sa Enero 2 hanggang Enero 20, 2025.

Alam ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na dadagsa lang ng husto ang magpapa-renew ng business permit kaya ang mga business owners aatasang pumunta sa tanggapan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) para mag-asikaso ng business documents.

Magsasagawa ang BPLO ng online at onsite business permit renewal sa ground level ng Double Dragon Plaza sa Macapagal Blvd. at EDSA extension simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sa mga gusto namang mag-online renewal, maaaring gamitin ang online site na https://epayments.pasay.gov.ph para magproseso ng bayad at magpadala ng requirements.

Pinayuhan ni Atty. Patrick Legaspi, officer-in-charge ng BPLO, ang mga business establishment na may provisional permit na asikasuhin na ang kanilang mga dokumento sa pagkuha ng business permit tulad ng sanitary permit, fire safety clearance at iba pa kung ayaw nilang bawiin ng tanggapan ang kanilang temporary business permit.

Sinabi ng BPLO executive na malinaw ang direktiba ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na hangga’t maaari iwasan ang pagpapasara sa mga business establishment upang hindi maka-apekto sa mga negosyante at mga trabahante.