Remulla

CA pinuri Remulla sa mabilis na tulong, akyon para sa mga biktima ng bagyo

Jun I Legaspi Nov 21, 2024
105 Views

KINILALA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa kanyang hands-on management noong pananalasa ng mga bagyong Kristine at Pepito.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments noong Miyerkules, pinuri ni Camarines Sur 2nd District representative at CA Majority Floor Leader Luis Raymund F. Villafuerte, Jr. si Remulla sa ginawa niyang paraan upang matukoy ang mga pangangailangan ng lalawigan na pinakamahirap na tinamaan.

“What we asked from him are rubber boats because sobrang baha, and we cannot even transport relief. And the next day, may action po agad,”saad ng kongresista.

Ayon kay Villafuerte, ilang beses silang tinawagan ni Remulla, bago, habang, at pagkatapos ng bagyo para suriin ang kanilang sitwasyon at tanungin kung ano ang maibibigay niyang tulong.

“I am very confident that Secretary Jonvic, being at the helm of DILG, alam n’ya po ang gagawin n’ya,” diin nito.

Sa parehong pagdinig, sinabi ni Remulla na pagkatapos ng “Kristine,” mahigpit na nakipag-ugnayan ang DILG sa Office of Civil Defense at Department of Environment and Natural Resources sa pagtukoy sa mga geohazard sites sa mga inaasahang apektadong lugar.

Aniya, ang paglikas ng mga residente ay maayos na naisagawa sa panahon ng bagyong LMNOP (Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito) sa kabila ng parehong dami ng hangin at direksyon na kanilang dinaanan.

“We gave the directive Friday for a preemptive evacuation and the local governments promptly responded,” diin ng kalihim.