CAAP

CAAP handa sa pagdagsa ng pasahero sa paliparan

Jun I Legaspi Dec 20, 2024
55 Views

TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na handa sila sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga airports ngayong kapaskuhan.

Sa ilalim ng programang Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024 ng Department of Transportation (DOTr) mula Disyembre 20 hanggang Enero 3, 2025, nakatuon ang CAAP sa pagbibigay ng ligtas, maayos at komportableng biyahe sa 44 na paliparan sa ilalim ng jurisdiction nito.

Tiniyak ng CAAP na handa ang kanilang Communication, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) systems.

Mayroon ding mga nakahandang contingency measures upang tugunan ang posibleng aberya sa mga flights at masigurado ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga paliparan sa kabila ng inaasahang pagdami ng mga pasahero.

Naglaan din ang CAAP ng Malasakit kits na may biskwit, kape at hygiene products; Malasakit Help Desk para tumulong sa mga katanungan at alalahanin ng mga pasahero.

“CAAP recognizes the importance of a stress-free travel experience during the holiday season.

By ensuring the reliability of our systems and the readiness of our facilities, we aim to deliver smooth and safe journeys for all passengers,” sabi ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo.

Nakikipagtulungan din ang CAAP sa mga airline operator at iba pang ahensya ng pamahalaan upang mapanatiling maayos ang operasyon sa mga paliparan at matiyak ang kasiyahan ng mga pasahero.