Calendar
Screenshot ng southwestern slopes ng Bulkang Mayon noong Mayo 2 mula sa video ng PHIVOLCS Quick Response Team
CAAP ipinagbawal paglipad malapit sa 11K feet sa Mayon
IPINAGBAWAL ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon ng mga sasakyang panghimpapawid mula sa surface hanggang 11,000 feet sa loob ng 6-kilometrong radius mula sa tuktok ng Bulkang Mayon.
Inilabas ang abiso sa publiko, airline operators, general aviation operators at iba pang aviation stakeholders kaugnay ng pagputok ng Bulkang Mayon bandang alas-3:43 ng madaling araw noong Mayo 3.
Alinsunod sa NOTAM B1875/26 (kapalit ng B1856/26) ang pagbabawal sa paglipad malapit sa bulkan.
Ang precautionary measure na ito ay ipinatutupad dahil sa panganib na dulot ng volcanic ash, airborne particles at biglaang aktibidad ng bulkan na maaaring makaapekto sa aircraft engines, navigation systems at pangkalahatang kaligtasan ng flight operations.
Pinapayuhan ang lahat ng airline operators, pilots, dispatchers at aviation stakeholders na makipag-ugnayan sa Air Traffic Services at mag-monitor ng mga opisyal na abiso bago magsagawa ng operasyon sa mga apektadong lugar.

