Calendar
Sen. Erwin Tulfo
Sen. Tulfo: Mga tindahan dapat may price monitoring
MABILIS na nararamdaman ang epekto ng pagtaas ng presyo sa kanilang badyet ng mga pamilyang Pilipino na umaasa sa pagbili ng pagkain at pangunahing bilihin sa malalapit na tindahan, ayon kay Sen. Erwin Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na may ilang nagtitinda na sinasamantala umano ang kakulangan sa monitoring, lalo na sa maliliit na pamilihan kung saan limitado ang pagpipilian ng mamimili.
“A businessowner might think, ‘I sell in a small market and the government does not reach this point in monitoring so I can just raise my selling price,’” sabi ni Tulfo.
Ang price freeze na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) hanggang Mayo 10 ay layong protektahan ang mga mamimili laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na iniuugnay sa pandaigdigang tensyon.
Sa maraming komunidad, nananatiling pangunahing pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan ang mga sari-sari store at maliliit na grocery.
Ayon sa senador, direktang naaapektuhan ang mga karaniwang mamimili kapag tumataas ang presyo sa mga lugar na ito.
“Filipino consumers are yet again left with no choice but to adjust the family budget because these markets, local groceries, are the most accessible places for them to buy goods for daily sustenance,” dagdag niya.
Hinimok ni Tulfo ang DTI na paigtingin ang inspeksyon sa mga pamilihan at huwag lamang umasa sa mga ulat, dahil maaaring hindi nito lubusang naipapakita ang tunay na sitwasyon.
Dagdag pa ni Tulfo, maaaring mabawasan ang epekto ng tulong ng pamahalaan kung may manipulasyon sa presyo sa antas ng retail.
“The price freeze is supposed to complement the multi-pronged approach of the government amid the ongoing tensions. We can provide aid, but if the prices are being manipulated, this becomes non-sense,” sabi ng senador.
Sa ilalim ng umiiral na batas, ang mga lalabag sa price freeze ay maaaring maharap sa kasong administratibo, multa o pagkakakulong, depende sa bigat ng paglabag.

