Phivolcs

CAAP naglabas ng NOTAM sa paligid ng Taal, Bulusan, Kanlaon

Jun I Legaspi Oct 13, 2025
398 Views

NAGLABAS ng Notices to Airmen (NOTAMs) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay ng aktibidad ng bulkang Bulusan, Kanlaon at Taal.

Sa Bulusan volcano, epektibo mula Oktubre 13 alas-8:22 ng umaga hanggang Oktubre 14 alas-9:00 ng umaga ang saklaw ng taas mula sa lupa hanggang 10,000 talampakan.

Sa Kanlaon volcano, epektibo mula Oktubre 13 alas-8:15 ng umaga hanggang Oktubre 14 alas-9:00 ng umaga ng hanggang 11,000 talampakan.

At sa Taal volcano, epektibo mula Oktubre 13 alas-8:17 ng umaga hanggang Oktubre 14 alas-9:00 ng umaga ang taas mula sa lupa hanggang 11,000 talampakan.

Pinapayuhan ang lahat ng flight operators na iwasan ang paglipad malapit sa mga bunganga ng bulkan at patuloy na subaybayan ang mga NOTAM para sa mga posibleng pagbabago.