Calendar
CAAP, PARCC naglunsad ng SAREX ’26
GINANAP ang Philippine Search and Rescue Exercise (SAREX) 2026 noong Biyernes sa Dolomite Beach, Roxas Boulevard sa pangunguna ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC).
Ang SAREX 2026 ay nagsagawa ng simulation ng isang insidente ng aircraft ditching sa Manila Bay na kinabibilangan ng magkakaugnay na operasyon sa himpapawid, dagat at medikal na pagresponde.
Kabilang sa mga tumugon ang Philippine Air Force para sa air operations, Philippine Coast Guard para sa maritime response, mga partner hospitals para sa medical evacuation at paggamot at iba pang ahensya ng pamahalaan na may tungkulin sa emergency management at disaster response.
Layunin ng pagsasanay na masuri ang bisa ng pambansang Search and Rescue (SAR) system, tiyakin ang maayos na unified command mechanisms, suriin ang bilis ng pagtugon at komunikasyon at tukuyin ang mga puwang sa operasyon na nangangailangan ng procedural improvements.
“Ang tinitingnan natin dito ay ang kabuuang structure ng operasyon, mula sa organisasyon, mga involved na ahensya hanggang sa maayos na inter-agency coordination.
Gusto nating maipakita sa riding public na may kakayahan at kahandaan tayong tumugon sa oras ng aksidente o insidente at handa ang ating responders sa anumang sitwasyon,” ayon kay CAAP Director General Raul del Rosario,

