Calendar
CAAP sa tsismis na plane crash: Marites lang yan
ITINANGGI ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kumakalat na mga balita hinggil sa umano’y pagbagsak ng eroplano sa Roxas, Palawan.
Lahat ng flight na bumibiyahe sa loob at paligid ng Palawan ay nakumpirmang accounted for, at walang naiulat na insidente, emergency, o distress call, ayon sa CAAP.
Ayon sa Philippine Aeronautical Rescue Coordination Center (PARCC) ng CAAP, na nakipag-ugnayan sa mga yunit ng air traffic control, mga airline operator, at lokal na awtoridad, isinagawa ang masusing beripikasyon at nakumpirmang walang nawawalang eroplano o nasangkot sa anumang aksidente.
Nagpaalala ang CAAP sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na pinagkukunan at iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi pa beripikadong ulat na maaaring magdulot ng pag-aalala.

