Amihan magdadala ng ulan sa Luzon
Nov 29, 2026
Calendar
Provincial
Faulty wiring tinitingnan sa killer sunog, lolo tigok
Dennis Abrina
Aug 15, 2025
440
Views
IMUS CITY, CAVITE–Patay ang 70-anyos na lolo matapos ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay noong Biyernes sa Brgy. Buhay na Tubig sa syudad na ito.
Kinilala ang nasawi na si alyas Eduardo.
Sumiklab ang sunog sa bahay ng biktima dakong alas-12:38 ng hatinggabi habang natutulog ang mga residente.
Mabilis na kumalat ang apoy at umabot sa 19 na bahay ang naging abo at 19 na pamilya ang nawalan ng tirahan.
Hindi na nakalabas ng nasusunog na bahay ang biktima dahil sa edad nito at nalagutan ng hininga dahil sa matinding usok.
Iniimbestigahan na ang sunog sa Cavite na posibleng dahil sa faulty electric wiring.
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026
Rider nasawi sa salpok ng tricycle
Nov 27, 2026
BBJVI bukas na sa Balanga
Nov 27, 2026
Phase 1 ng Laguna command center tapos na
Nov 27, 2026

