Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Cabrera: Posibleng nadoble bilang sa kita ni VP Sara
Oct 12, 2026
Calendar
Metro
Cabin cleaner dinampot sa 20 bilang ng gahasa, iba pa
Edd Reyes
Mar 1, 2026
482
Views
NALAMBAT na mga pulis ang 32-anyos na cabin cleaner noong Sabado sa Parañaque City dahil sa sandamukal na counts ng rape at sexual assault laban sa mga batang kanyang nabibiktima.
Nadakip ang suspek na si alyas Lester dakong ala-1:35 ng hapon sa Brgy. San Isidro, Paranaque sa bisa ng warrant of arrest galing sa Family Court Branch 10 ng Paranaque City at Family Court Branch 5 ng Trece Martires City, Cavite.
Ayon kay Parañaque police chief P/Col. Nicolas Pinon, nahaharap ang akusado sa dalawang counts ng rape, 18 counts ng statutory rape at marami counts ng sexual assault na pawang mga menor-de-edad ang mga nabibiktima.
Nakadetine ang suspek sa custodial facility ng Parañaque police.
Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Police stations dapat malinis–NCRPO chief
Oct 12, 2026
Parangal natanggap ng Maynila
Oct 12, 2026
3 magkakaibigan binaril dahil pabalang sumagot, dedo
Oct 12, 2026
QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026
