Flu

Cagayan idineklarang bird flu-free ng DA

Cory Martinez Nov 7, 2024
46 Views

IDINEKLARANG bird flu-free na ng Department of Agriculture (DA) ang lalawigan ng Cagayan matapos ang ilang buwang monitoring at iba pang disease control operation.

Sa memorandum circular no. 46 na inilabas ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., mayroong nang mahigit 90 araw simula nang matapos ang cleaning at disinfection sa naturang probinsya at wala nang nagpositibo sa isinagawang Avian Influenza (AI) test kaya maaari na itong ideklarang bird flu-free.

“Our goal is to ensure the country has enough supply of food that is not only affordable but safe for public consumption.

It is also our duty to protect the local poultry industry, which creates millions of jobs and generates billions in investments,” ani Tiu Laurel.

Inilagay ng DA ang buong probinsiya sa surveillance and close monitoring matapos na maitala ang H5N1 strain ng bird flu virus sa mga manok na inaalagaan sa Solana, Cagayan noong Enero 2023.

Bago magkaroon ng kaso ng bird flu noong 2023, walang kaso sa Cagayan dahil sa disease control measures, kabilang na ang biosecurity, cleaning at disinfection at quarantine activities.

Kabilang sa mga surveillance activity ang pagkuha ng dugo at pagsusuri sa mga wild at domestic birds.

Bahagi ng bird migration path ang Cagayan at may posibilidad na carrier ng bird flu virus ang mga migratory bird.

Ang Cagayan Valley, na kabilang ang mga probinsya ng Batanes, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino, nag-produce ng 10 porsyento ng national poultry production sa ikalawang bahagi ng 2024.