Phivolcs

Cagayan niyanig ng magnitude 5.4 lindol

224 Views

NIYANIG ng lindol na may lakas na magnitude 5.4 ang Cagayan Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-3:07 ng hapon. Ang epicenter nito ay 20 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan at may lalim na siyam na kilometro.

Naitala ang PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity III – Gonzaga, Cagayan

Intensity II – Claveria, Cagayan; Pasuquin, Ilocos Norte

Intensity I – Laoag City, Ilocos Norte