Calendar
Calabarzon cops nasamsam P1M shabu

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City — Hindi na nakapalag ang 25 na drug suspek matapos lambatin ng mga operatiba ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) at makumpiskahan ng nasa P1.03 milyong halaga ng shabu at kush.
Isinagawa ang 20 anti-drug operations noong Nob. 15-16 at nasabat ang 137.70 gramo ng hinihinalang shabu at 51.91 gramo ng kush.
Pinakamaraming huli ang Cavite Police na nakadakip ng siyam na suspek. Walo ang nahuli sa Laguna, apat sa Batangas at tig-dalawa sa Rizal at Quezon.
Ayon kay PRO 4A Director PBGen. Dominic Baccay, patunay ito na seryoso ang pulisya sa paglilinis ng Calabarzon kontra droga.
Himas-rehas na ngayon ang mga naaresto, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act, laban sa kanila.

