Suspek

Lalaki laglag sa 20 counts ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act

10 Views

Live1ARESTADO noong Sabado ang lalaking suspek sa paglabag ng 20 counts sa Anti-Money Laundering Act of 2001, o Republic Act No. 9160, sa Cainta custodial facility sa Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Isinumite ng tracker team ng Cainta police station ang kopya ng warrant of arrest laban sa suspek na si alyas “Joriz.”

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 148, Makati City, at nilagdaan ni Presiding Judge Antonio Ray Abello Ortiguera.

Naglaan ng piyansang P2,800,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nakakulong sa Cainta custodial facility ang suspek, ayon sa report.