Calendar
Caloocan lusot sa Batangas
SUMANDAL ang Caloocan sa back-to-back lay-ups ni Joel Lee Yu upang maitakas ang 73-72 panalo laban sa Batangas sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Villar Coliseum sa Las Piñas.
Ang late-game heroics ni Lee Yu ay nagbigay sa Caloocan ng 7-4 win-loss record sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament, na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao.
Nakatulong din sa Caloocan sina Joseph Manlangit, na may15 points, eight rebounds at five assists; Joco Tayongtong, na may 13 points, four rebounds at four assists; at Paul Sanga, na may11 points.
Si Lee Yu ay may nine points para sa Batang Kankaloo, na lumamang pa ng 44-32 at 67-63 sa huling mga minuto ng fourth quarter.
Ang Batangas, na bumaba sa 10-4 record, ay nakakuha ng 16 points mula kay Kris Porter at 12 points, 14 rebounds, at four assists mula kay Cedric Ablaza.
Ang PBA legend na si Kenneth Duremdes ang MPBL commisisoner.
The scores:
Caloocan (73) — Manlangit 15, Tayongtong 13, Sanga 11, Flores 9, Lee Yu 7, Bonsubre 5, Calahat 4, Matias 4, Cervantes 3, Jeruta 2, Inigo 0, Palecia 0, Laude 0, Sumoda 0, Casin 0.
Batangas (72) — Porter 16, Ablaze 12, Cruz 7, Dela Virgen 7, Baloria 7, Ochea 6, Apinan 5, Isit 4, Arim 4, Alarcon 2, Importante 2, Ramirez 0, Oliva 0, Ambulodto 0, Lunor 0.
Quarterscores: 20-16, 42-32, 60-56, 73-72.