Calendar
Caloocan rep pinuri Pasig sa paglaban sa sugal
π£ππ‘URI ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Caloocan Rep. Dean Asistio ang hakbang ng Pasig City na i-ban ang lahat ng gambling advertisement at promotions sa syudad.
Hinihikayat din ni Asistio ang iba lang local government units (LGUs) na tularan ang ginawa ng Pasig City sa paglaban sa lahat ng sugal.
Iginigiit ni Asistio na hindi dapat ipino-promote ang sugal sapagkat maraming Pilipino ang nahuhumaling dito.
Muling ipinaalala ng kongresista na maraming mga kabataan ang nalulong sa online gambling sa pamamagitan ng cellphone na nagresulta sa napakaraming estudyanteng nagkawindang-windang at naapektuhan ang kanilang pag-aaral.
Binigyang diin pa ni Asistio na walang dahilan para i-promote ang sugal na maraming buhay ng mga Pilipino at mga kabataan ang sinisira dahil sa labis na pagkalulong.

