Camille Larawan mula sa IG/@camilleprats

Camille Prats kay Angelica Panganiban: ‘Masaya ‘kong pinapanood buhay mo’

276 Views

NAKATANGGAP ng matamis na mensahe ang aktres na si Angelica Panganiban mula sa kanyang celebrity friend na si Camille Prats.

Sa kanyang Instagram stories nitong Sabado, Nobyrembre 4, ibinahagi ni Camille ang ilang throwback pictures nila ni Angelica para batiin ito sa kanyang ika-37 kaarawan.

Ang mga nasabing throwback pictures ay kuha mula sa mga proyektong magkasama ang dalawa. Kabilang na ang “Sarah, Ang Munting Prinsesa,” “Ang Pulubi At Ang Prinsesa” at “G-Mik.”

“The Becky to my Sarah”

“The Prinsesa to my Pulubi”

“The Jelai to my Roni”

Sey pa ni Camille na masaya siya para kay Angelica at hindi na makapaghintay na makita rin ang anak nito.

“Happy happy birthday sis!! Masaya akong pinapanood ang buhay mo at dasal ko na sana palagi kang ganito,” pahayag ni Camille.

“Can’t wait to meet Bean soon! Enjoy your day sis! HBD @iamangelicap,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman si Angelica sa mensahe na natanggap niya mula kay Camille.