Sara

Cancel culture sagutin ng ‘UniTeam burger’—Mayor Sara

579 Views

NANAWAGAN si vice presidential candidate Sara Duterte sa mga sumusuporta sa kanya at sa running mate na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag gumanti sa mga nagka-cancel sa kanila.

Sa halip, sinabi ni Duterte na gantihan na lamang ang mga ito ng ‘UniTeam’ burger na halaw sa kasabihang kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Mayroong mga sumusuporta kina Marcos at Duterte na binobokyot umano o kaya ay bina-bash sa social media.

“Huwag ho kayong pumayag na kayo ay batuhin ng cancel dahil po sa pangagampanya n’yo para kina Marcos-Duterte,” sabi ni Duterte. “Kapag kayo po at binato ng cancel, batuhin niyo po ng burger. Burger ng UniTeam ni Marcos-Duterte.”

Nananawagan ang Marcos-Duterte tandem ng pagkakaisa upang sama-samang matugunan ang mga problema ng bansa upang muling makabangon ang bayan mula sa epekto ng pandemya.