Cargo

Cargo vessel tumaob, 17 tripulanteng Pinoy nasagip, 4 hinahanap

Zaida Delos Reyes Jan 23, 2026
268 Views

LABIMPITONG tripulanteng Pinoy ang nasagip habang apat pa ang pinaghahanap natapos na tumaob ang Singaporean-flagged general cargo vessel na M/V Devon Bay sa karagatang sakop ng Agno, Pangasinan.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) galing ang barko sa Gutalac, Zamboanga del Sur at patungo sana sa Yangjiang China nang maganap ang aksidente.

Lulan ng barko ang 21- tripulanteng Pinoy at may karga itong iron ore

Huling nakita ang barko dakong 8:30 nitong Huwebes ng gabi sa 141 nautical miles west ng Sabangan Point, Agno Bay, Pangasinan at nakatagilid na ito.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG para sagipin ang mga tripulante.

Ipinadala ng PCG ang BRP Teresa Magbanua, BRP Cape San Agustin, at dalawang sasakyang panghimpapawid upang tumulong sa operasyon.

Kinumpirma ng PCG na 17 tripulante ang nailigtas ng isang dumaraang barko ng China Coast Guard.

Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Noemie Cayabyab, patuloy na minomonitor ng PCG ang sitwasyon at nananatiling nakatuon sa kaligtasan ng natitirang mga tripulante.