Yulo

Carlos Yulo sa mga bintang ng ina: Di ko alam kung ganun yung mga sinasabi niya

Eugene Asis Aug 6, 2024
93 Views

SINAGOT na ng two time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo (na nakapag-uwi na ng dalawang gold medal sa ginaganap ngayong 2024 Paris Olympics), ang rebelasyon ng kanyang ina na si Angeluca Yulo na ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan ng ina.

Nilinaw din niya ang kuwento ni Angelica tungkol sa training camp incident sa Japan kung saan in-occupy daw nilang magkasintahan ang dormitoryong nakalaan sa kanya, kapatid na si Eldrew at national player na si Miguel Besana.

“Actually, invited po si Chloe ng former coach ko (Munehiro Kugimiya) from Japan. Nu’ng SEA Games pa lang po sa Vietnam, sinabihan kami na invite mo na lang si Chloe sa Japan and du’n kayo mag-hang out.

“Usually, kapag magti-training camp kami, palaging naka-hotel. And miscommunicated ‘yun na doon pala sila sa akin na mag-i-stay.

“Hindi rin totoo na pagpunta nila du’n nu’ng dalawang bata, dapat wala na si Chloe, kasi sabay-sabay silang pumunta du’n,” sabi ni Carlos.

“Hindi ko alam kung bakit ganu’n yung mga sinasabi niya. At ‘yung sinasabi niya po na nandu’n ‘yung dalawang bata po, ‘yung nakabalandra daw yung puwet (ni Chloe) po, bilang nakakatandang kapatid po, bilang boyfriend ni Chloe po, at bilang ate at kuya po, kami po, aalagaan po namin sila.

“Hindi namin po gagawin yung mga iniisip niya na gano’n ang dumi niya mag-isip at hindi appropriate yun para sa akin at disrespectful yun actually sa akin and kay Chloe po,” sabi pa niya.

Pagpapatuloy pa niya, “Sabi niya pa na feeling niya daw nilalayo ako ni Chloe sa kanila. Unang-una po, months before nun, kasi uuwi ako parang three days mula nu’n, sinabihan ko na sila na mag-sspend time ako kay Chloe.

“Nagpunta kami sa Baguio, sinama ko si Chloe, nag-spend time kami. Nakikipaghalubilo naman po kami, hindi naman ako nilalayo ni Chloe,” dugtong ni Carlos.

“Nagkita po yung mama ko and ‘yung family ni Chloe twice po. And then, yun, nag-uusap po sila,” aniya pa.

At nang hindi na naging maayos ang sitwasyon, sabi naman ni Chloe, “And the last resort, my family made a group chat na kasama everybody involved because my family wanted to address kung ano yung issues ni mama towards me kasi marami na siyang pino-post (sa Facebook).

“Even though my family knew na marami na siyang pino-post, my family still welcomed them, treated them with respect and with no judgment na pinaringgan nila yung side ng mom mo, what she had to say about me and our relationship.

“And then, after the group chat, she left, your mom left. Wala siyang narinig anything from my family,” sabi ni Chloe.

Sabi naman ni Carlos, “May recent interview po kayo na kino-congratulate n’yo po ako. Kung genuine po talaga kayo, maraming-maraming salamat po. Ina-acknowledge ko po yung pagko-congratulate niyo sa akin.

“Nagpa-flashback pa rin po talaga yung masasakit niyong sinabi sa akin. At yung mga hindi niyo pag-wish well sa akin. Tumatatak po yun sa akin talaga. Ang message ko po sa inyo na mag-heal kayo, mag-move on.

“Napatawad ko na kayo a long time ago po. At sana nasa maayos kayong kalagayan diyan lahat. Tigilan na po natin ito at i-celebrate na lang po natin yung mga ginawa po ng paghihirap, pagsasakripisyo ng bawat atletang Pilipino dito sa Olympics,” paliwanag ni Carlos.