Calendar
Carwash boy kalaboso dahil sa 2 bilang ng gahasa
KAMPO PBGEN VICENTE LIM, Laguna — Kalaboso ang inabot noong Biyernes ng carwash boy matapos maaresto sa Brgy. Banay-Banay, Lipa City, Batangas dahil sa 2 bilang ng panghahalay.
Ang suspek, si alyas Vince, 26, residente ng Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, Batangas, ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo.
Ang pag-aresto ay isinagawa batay sa warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 2 ng Lipa City, Batangas para sa 2 counts ng statutory rape.
Walang inirekomendang piyansa para sa alinmang kaso.
Ang naarestong suspek ay nakakulong sa pasilidad ng Mataas na Kahoy police.
“Nakatuon kami sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng mga karumal-dumal na krimen at sa pagtiyak na ang mga gumagawa ng ganitong mga gawa ay mapanagot sa batas,” pahayag ni P/Col. Sibalo.

