Cayetano

Cayetano: Tulong sa Mindanao quake victims dapat umabot sa rehab

101 Views

SINABI ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat umusad sa rehabilitasyon ang pagtugon sa Mindanao earthquake para sa mga pamilyang nawalan ng bahay, mga manggagawang naapektuhan ang kita at mga estudyanteng nakaranas ng trauma.

Mahalaga ang relief assistance ngunit dapat magpatuloy ang suporta ng gobyerno hanggang makabangon at makapagsimulang muli ang mga apektadong residente, sabi ng senador.

“Any help relief is very important, pero rehabilitation. We have to see things through,” sabi ni Cayetano.

May mga pamilyang tuluyang nawalan ng bahay, habang ang iba ay may bahagyang nasirang tahanan.

Binanggit din ni Cayetano ang pangangailangang tingnan ang kalagayan ng mga estudyanteng nakaranas ng trauma matapos ang lindol.

Dapat magpatuloy ang recovery work sa mga apektadong lugar kasabay ng pagbanggit na regular na humaharap ang bansa sa mga bagyo, aktibong bulkan at lindol.

Sinuportahan ni Padilla ang panawagan ni Cayetano at sinabing dapat sundan ng malinaw na recovery plan ang relief operations.

Dapat kasama sa pangmatagalang rehabilitasyon ang tulong sa mga residenteng tuluyan o bahagyang nasira ang bahay at sa mga manggagawang naapektuhan ang kabuhayan.

Hinimok din ni Cayetano ang publiko na gamitin ang social media upang iparating ang mga problema sa kanilang lugar, kabilang ang hindi natatapos na proyekto, illegal mining at illegal tree-cutting.